"Do not let your hearts be troubled, trust in God and trust also in Me." -John 14:1
Iyan ang pinakapaborito kong bible verse na madalas binabanggit ni Bro. Mike Velarde sa kanyang pagpreach sa gawain ng El Shaddai.
Naisip ko na gusto kong gumawa ng blog tungkol sa kabutihan ng Diyos at ito ay alay ko sa kanya. Nagbasa ako ng blog ni Yeng for the 1st time at nainspire ako magsulat din ng Tagalog/Taglish.
Bata palang kami pinagserve na kami ni Mama sa simbahan. Nagsimula ako bilang Children of Mary (w/c means lector, commentator, collector kapag children's mass), naging Legion of Mary as Officer then Choir hanggang magfocus nalang ako sa regular na pag attend sa gawain ng EL Shaddai kung saan mas nagkaroon ako ng initimate relationship with God sa pakikinig ng mabuting balita.
So, How God works in my life:
1. Top Best Friend
Of course, I consider my husband & Mom as my best friend too pero above all ang Diyos ang pinaka bestfriend ko. Sabi, sa Diyos mo unang sabihin ang lahat-lahat ng problema mo at hindi sa tao na maaari ka i-chismis o husgahan. Ang pag-iyak sa Panginoon ay isang prayer. Sa kanya ko nasasabi lahat ang mga hindi ko masabi sa iba sa pamamagitan ng silent communication in the form of prayer at mas nagaan ang pakiramdam ko. Kapag answered prayer ako sakanya rin ako una nagpapasalamat.
2. Protector
My mga pangyayari tulad ng napagitnaan ako ng mga snatcher sa jeep pero walang nangyari, mayroon din na nakabundol at namatay ang sinasakyan namin ng mga workmates ko galing outing kung saan galit sa amin ang lahat ng kamag-anak at hindi namin alam kung makakaalis pa kami doon sa Batangas ng buhay, ang hindi pagsabog ng gas sa bahay namin nung nag-init ako ng tubig habang naka on ang kalan pero wala palang apoy at may mga iba pa kung saan hindi ako/kami pinabayaan ng Diyos na mapahamak. Lagi niya kami iniingatan tulad ng pangako niya ng pag-iingat sa Salmo 91: Awit ng Pagtitiwala sa Diyos.
3. Healer
Sa lahat ng karamdaman ang Diyos ang nagpapagaling. Madalas ay ginagamit ko ang panyo ng El Shaddai at langis na ipinapahid namin kung my masakit sa amin at sinasamahan ng panalangin at kami ay gumagaling. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil wala kaming malubhang karamdaman at sa kalakasan ng aming katawan at magandang kalusugan ng aming buong pamilya.
4. Great Provider
"Ang pagtanggap ay nasa pagbibigay."
Mula nang isabuhay ko ang pagbibigay ng Ikapu (ikasampung bahagi ng kinikita) ay hindi ako nawawalan tulad ng iba na nasasaid na kahit piso ay wala. Sabi nga, hindi lang sa financial makakaranas ng biyaya dulot ng pagbibigay ng Ikapu, kundi, ito rin ang sagot para mawala ang salot sa buhay at isa sa dahilan ng aming magandang kalusugan.
Ang pinakamalaking nangailangan ako ay noong kasal namin. One week nalang at kasal na namin pero nasa Php70,000 pa ang kailangan namin bayaran at wala na kaming budget para doon dahil ilan daang libo narin ang nailabas namin. Pero, hindi ako nabahala noon dahil alam kong God will provide. Wala kaming ibang pagkukunan nung time na yun kaya panalangin lang ang alam kong magagawa at inangkin mo na hindi matatapos ang week na yun bago ang kasal at may darating na tulong financial. At araw ng linggo, tumawag ang kapatid ko na may tulong sya pati ang Papa ko kaya solve na ang problema namin. Nung araw pa ng kasal ay talagang sobra sobra pa ang natanggap namin. Madalas, nagamit ang Diyos ng tao na tutulong sa atin. Minsan naman may mga dumarating na biyaya na hindi natin alam kung saan nanggagaling. Ang Diyos ang nagpapala sa atin at nagbibigay ng hustong takal, siksik, liglig at umaapaw pa. Sa tuwing nangangailangan kami ay may dumarating at lahat ng ito ay pinagpapasalamat ko sa ating Panginoon.
5. Comforter
Ang joyful praising songs ang unang nagpapasaya ng loob ko sa tuwing ako ay nalulungkot. He is my comfort kapag ako ay nasasaktan o naguguluhan. Sa kanya ako unang tumatakbo. Ang mga worship songs naman ang nagpapayapa ng loob ko lalo kapag ako ay takot o naguguluhan at syempre mafefeel mo ang presence ng Diyos sa panalangin. Ramdam ko na andyan sa tabi ko at hindi ako iiwan kahit kailan. Ang best friend na laging nakikinig sa akin anumang oras.
6. God who answers prayer
Para sa akin ito ang pinakamalaking kapangyarihan ng Diyos. Ang kailangan gawin ay matutong maghintay at manalig sa kanya hanggang dinggin nya ang ating mga panalangin. Napakarami kong answered prayers mula sa pinakamaliit na bagay hanggang malalaki. Naexperienced ko rin He is a God of surprises and moves in mysterious ways. Syempre marami parin akong hinihiling at patuloy ako umaasa na ipagkakaloob nya rin ito sa akin.
Huwag agad mag give up kung minsan parang hindi nya tayo dinirinig sa sobrang tagal na natin naghihintay pero alam ng Diyos ang takdang panahon at tamang pagkakataon kung kailan ito ibibigay. Patuloy lang lumapit at kumapit sa kanya.
Indeed, God is good all the time.
The ultimate joy in your life can be found in the Lord. Be grateful always. Trust Him. No matter how hard it is, continue to stick with Him.
Lastly, always be reminded that with God, all things are possible. ❤
Amen! God is good all the time! Enjoyed reading your post so much. God bless you :) x
ReplyDeleteMichelle | https://michellextay.blogspot.my/
Thank you Michelle! God bless you too :)
Delete